Shanti Dope 1
-- Advertisements --

Patuloy na umaani ng samu’t-saring reaksyon ang pagkakapasok ng kantang “Amatz” ng Pinoy rapper na si Shanti Dope sa latest episode ng The Falcon & The Winter Soldier ng Marvel Cinematic Universe (MCU).

Matatandaang hinarang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagpapatugtog ng nasabing kanta sa Pilipinas noong 2019 dahil sa tila pagsusulong sa kanta ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nababanggit kasi sa lyrics ang ganitong linya: “Lakas ng amats ko… sobrang natural, walang halong kemikal.”

Ilang fans ang nagulat nang mapanood ang bahagi ng pelikula na pinatutugtog ang kanta ni Shanti.

May mga natuwa rin at nai-share pa ang ilang screenshot sa credits.

-- Advertisement --

Maging si Shanti ay ibinahagi rin ang ilang larawan tungkol sa pagkakasama ng kaniyang kanta sa The Falcon & The Winter Soldier ng Marvel.