-- Advertisements --
image 467

Iginiit ni House appropriations committee vice chair Stella Quimbo na legal sa ilalim ng 2022 General Apprpriations Act ang kontrobersiyal na P125 million confidential funds na inilipat sa Office of the Vice President mula sa Office of the President.

Ipinaliwanag ni Quimbo na noong termino ni dating Vice President Leni Robredo, predecessor ni VP Sara Duterte na walang alokasyon para sa confidential expenses sa ilalim ng pondo ng OVP para sa 2022.

Pagkatapos ng transition sa bagong Bise-Presidente, mayroon aniyang request mula sa OVP sa Department of Budget and Management para sa karagdagang pondo para sa ilang mga aktibidad sa ilalim ng programa ng ahensiya.

Kung saan base aniya sa assessment ng DBM, nadiskubre na maaaring kumuha ng pondo mula sa contingent funds.

Ayon pa kay Quimbo, sa ilalim ng special provision para sa contingent funds sa 2022 national expenditure program, ang paggagamitan ng nasabing pondo ay dapat na bago at urgent kung saan pasok dito ng naging request ng OVP.

Nakakuha din ng approval mula sa Office of the President ang erquest ng OVP para sa karagdagang pondo para sa mga aktibidad nito.

Gayundin inaprubahan ng DBM ang paggamit ng contingent funds para sa nasabing proyekto kabilang ang confidential expenses.

Samantala, nakatakdang simulan bukas ang deliberasyon sa plenaryo kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga mambabatas na magtanong at magdebate sa hiling na pondo ng office of the President at office of the Vice President.