Tiniyak ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi maaapektuhan ang financial stability ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-aambag nito sa Maharlika Investment Fund.
Paliwanag ng kalihim na ang kontribusyon na hinihilingi mula sa central bank para sa unang dalawang taon ng MIF na nasa maximum P50 billion ay ang dibidendo na idineklara pabor sa pamahalaan.
Ito ang net profit ng BSP at ang national government ang magpapasya kung paano ito gagamitin.
Sa pagtaya ng Finance chief, ang dibidendo mula sa BSP para sa national government noong 2022 ay nasa tinatayang P30 billion.
Saad pa ni Diokno na ang kalagayan ng BSP ngayon pagdating sa pinansiyal ay mas mabuti kumpara noon.
Inihalimbawa pa ni Diokno na nagsilbing dating BSP governor sa ilalim ng Dutere administration na sa kasagsagan ng pandemiya nagbigay ng loan ang central bank na P540 billion sa national government ng walang interes upang matulungan ang ating bansa mula sa economic distress. Kayat ganito aniya kaganda ang finances ng BSP.