Plano ng Commission on Elections na maglatag ng mga ‘Kontra Bigay’ Complaint Center (KBCC) para sa nalalapit na BSKE 2023.
Ang complaint center ay inaasahang tatanggap at tutugon sa mga complaints at report ng mga vote buying at vote selling sa buong bansa.
Batay sa inisyal na plano ng poll body, bubuksan ang mga complaint center mula 8am hanggang 5pm.
Pero pagsapit ng Oktubre 29, bubuksan na ito ng 24 oras, at magtatagal hanggang sa Oktubre 31 o isang araw matapos ang aktwal na botohan
Ang KBCC ang siyang tutulong sa pag-dokumento ng mga complaints, mangulekta ng mga ebidensya ng vote vuying at vote selling, at mag-refer ng mga complaints sa election officer.
Kabilang sa mga trabaho nito sa pagdokumento ay ang mga pictures at videos ng mga reklamo.
Tiniyak naman ng COMELEC na magiging confidential ang lahat ng impormasyon na kanilang matatanggap.