Tiniyak ng Department of Health na patuloy nitong babantayan ang kalusugan ng lahat ng mga guro at mga mag-aaral sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng check-up at medical services.
Ginawa ng ahensya ang pahayag kasabay ng pagbubukas ng klase ngayong taon.
Magsasagawa ang DOH ng mga medical screening sa mga public schools na layong matukoy ng maaga ang mga senyales sa kakulangan sa nutrisyon, problema sa paningin, at pandinig ng mga unang bes na papasok sa paaralan.
Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, ang mga ito ay nakatuon sa mga first-time schooler.
Naghahanda rin ang ahensya sa isasagawang school-based immunization program sa buwan ng Oktubre.
Kabilang sa mga ituturok ay laban sa tetanus-diphtheria at HPV sa mga batang babae.
Samantala, hinimok ni Herbosa ang Deped na magbenta lamang ng mga masustansyang pagkain sa mga canteen sa paaralan.