BAGUIO CITY – Patuloy ang pagsasagawa ng Department of Transportation (DOTr) – Cordillera ng konsultasyon para sa implementasyon ng PUV modernization program ng pamahalaan.

Ayon kay Engr. Robert Allan Santiago, regional director ng DOTr-Cordillera, nagiging tema ng konsultasyon ang iba’t-ibang isyu at katanungan ng publiko tungkol sa nasabing programa.

Aniya, magiging susunod na venue ng konsultasyon ang bayan ng Luna sa Apayao sa Mayo 28.

Tiniyak ng opisyal na pagsasamahin ng DOTr ang iba’t-ibang suhesyon at rekomendasyon mula sa mga transport group para mapag-aralan ang mga ito bago ang implementasyon ng PUV modernization program.