-- Advertisements --
image 251

Iniulat ng Philippine Consulate General sa Honolulu ngayong araw na walang mga Pilipino sa ngayon ang nasawi dahil sa wildfires sa Maui Island sa Hawaii.

Sinabi ni Consul Pamela Duria- Bailon na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Konsulada sa mga lokal na awtoridad sa naturang usapin.

Gayunpaman, hinihimok ng Konsulada ang mga Pilipino sa lugar na apektado ng wildfires na maging maingat, lumikas sa kanilang mga tahanan kung kinakailangan at regular na imonitor ang updates mula sa mga lokal na awtoridad.

Hinikayat din ng mga Pilipino na apektado ng wildfires na tawagan ang konsulada ng Pilipinas sa Honolulu sa pamamagitan ng kanilang emergency hotline (808) 253-9446 para sa assistance.

Ayon kay Hawaii Lt. Governor Sylvia Luke, nasa 53 indibidwal na ang napaulat na nasawi dahil sa wildfires habang daan daang indibiwal ang napaulat na nawawala pa rin.

Base naman sa Hawaii Emergency Management Agency, humigit-kumulang 300 kabahayan ang napinsala habang ilang mga turista naman ang naapektuhan din kasama ang mga apektadong residente na inilikas sa mga evacuation centers.

Bunsod niito, nagdeklara na ng major disaster si US President Joe Biden sa Maui island at nakatutok ngayon ang lahat ng federal government reources sa pagtulong sa mga apektado ng naturang trahediya.