-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Guindulungan, Maguindanao matapos binaril-patay ng hindi pa nakilalang mga suspek ang isang konsehal sa naturang lugar.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Koronadal, kinilala ang biktima na si Councilor Morcid Lauban.

Midtimbang Lauban 1

Batay sa inisyal na impormasyon ng PNP, nangyari ang pamamaril kaninang alas-7:00 ng umaga habang binabaybay ni Lauban ang national highway lulan ng kaniyang kulay itim na Toyota Hi-Lux.

Bigla na lamang umanong pinaputukan ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo si Lauban.

Kaagad nasawi si Lauban dahil sa tama ng bala na kaniyang natamo.

Sugatan din ang dalawa nitong kasamahang konsehal sa nasabing pangyayari.

Sa ngayon, inilagay nsa half mast ang mga watawat sa municipal hall ng Guindulungan bilang pagpapakita ng pakikiramay sa sinapit ng naturang konsehal.

Kabilang sa iniimbestigahan ng mga otoridad ang posibleng motibo sa pagbaril-patay sa biktima at inaalam kung sino ang posibleng mga suspek sa naturang krimen.