LAOAG CITY – Namatay habang ginagamot sa ospital si Sang. Bayan Member Arlene Ruadap sa bayan ng Vintar.
Ito ang kinumpirma ni Mr. Erwin Suguitan, ang tagapagsalita ng lokal na pamahalaan sa nasabing bayan.
Ayon kay Suguitan, noon pang 2021 nasa ospital si Konsehal Ruadap.
Sinabi naman ni Vice Mayor Amador Victor Racimo na namatay si Ruadap dahil sa cardiac arrest.
Si Ruadap ay unang nagsilbi bilang Municipal Planning and Development Coordinator sa Vintar bago kumandidato bilang konsehal kung saan tapos na ang kanyang tatlong termino.
Nabatid na nang natapos ni Ruadap ang kanyang termino ay nagpahingi muna at noong 2021 ay nagpila ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-konsehal sa bayan ng Vintar noong May 9, 2022 elections.
Samantala, nagdadalamhati naman ang buong bayan g Vintar sa pagkamatay ni Ruadap.