Reading Time: 1 minute
kevin hart

Kasalukuyang nagpapagaling ngayon sa ospital ang komedyante na si Kevin Hart matapos nitong masangkot sa isang car crash sa Malibu Hills.

Batay sa imbestigasyon, tumagilid sa kalsada ang Plymouth Barracuda na pagmamay-ari ng 40-anyos na aktor habang binabaybay ang Mulholland Highway.

Sumadsad umano ang sasakyan nito sa kanal na may layong 10 ft mula sa kalsada matapos nitong tumama sa bakod.

Ayon pa sa mga otoridad, hindi si Hart ang nagmamaneho ng sasakyan kundi ang driver nito.

Sinigurado rin nila na hindi naka-inom ang driver ng komedyante.

Hindi naman nasaktan ang babaeng pasahero sa loob ng sasakyan.

Base rin sa nakalap na impormasyon mula sa mga saksi, unang bumaba ng kotse si Hart kung saan kaagad itong inilipat at sinakay sa SUV ng ilan sa kaniyang security team.

Kaagad daw inuwi si Hart sa kaniyang bahay upang doon bigyan ng paunang lunas bago ito dalhin sa pinaka malapit na ospital.

Binili ni Hart ang naturang kotse bilang regalo sa kaniyang sarili para sa ika-40 kaarawan nito.