CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang kolektor ng lending company sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Romnick Raro na residente sa bayan ng Midsayap Cotabato.
Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Barangay Nes sa bayan ng Midsayap galing umano sa paniningil ng pautang ng bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Agad namang tumakas ang mga salarin tangay ang bag ng biktima na may lamang per ana koleksyon nito sa pautang.
Agad binawian ng buhay si Raro nang magtamo ng tama ng bala sa dibdib at ulo.
Matatandaan na ilang kolektor na ng pautang ang nasawi sa mga liblib na Barangay sa bayan ng Midsayap na hinold-up at pinatay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamamaril patay sa biktima.