-- Advertisements --
Dinala sa medical station si Filipino-American sprinter Kristina Knott matapos ang kaniyang 200 meter run event sa Tokyo Olympics.
Nabigo ito na makapasok sa semifinals round matapos na makuha ang 23.80 seconds para maging pang-lima sa puwesto.
Ayon sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na na dumanas ito ng heat exhaustion kaya nanatili siya ng ilang oras sa medical station.
Sa simula pa lamang ay hindi na maganda ang kaniyang nararamdaman at ito ay nagsuka matapos ang kaniyang pagtakbo.