-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng New York Knicks para makausad sa ikalawang round ng playoffs.

Ito ay matapos na talunin nila ang Philadelphia 76ers 97-92 sa first-round Eastern Conference playoff series nitong Lunes ng madaling araw.

Bumida sa panalo ng Knicks si Jalen Brunson na nagtala ng 47 points at 10 assists para mapahiya ang 76ers sa kanilang homecourt.

Dahil sa panalo ay desidido ang Knicks na tapusin na ang serye lalo na at balik sa New York ang Game 4.

Nasayang naman ang nagawang 27 points, 10 rebounds at anim na assists ni Joel Embiid ganun din ang 23 points ni Tyrese Maxey.