Nagtala ng come from behind na panalo ang New York Knicks matapos talunin ang Philadelphia 76ers 104-101 sa first round playoff series.
Dahil sa panalo ay hawak na ng Knicks ang 2-0 na kalamangan sa kanilang best of seven games.
Hindi gaanong nakapaglaro ang Most Valuable Player ng Sixers na si Joel Embiid dahi sa injury kung saan hawak nila ang kalamangan 100-96 sa natitirang 1:09 ng last quarter ng maipasok ni Tyrese Maxey ang three-point shots.
Naipasok ni Jalen Brunson ang three-points sa natitirang 27.4 seconds.
Matapos na mabigo sa unang pagkakataon ay pumasok ang ikalawang three points ni Donte DiVincenzo para makuha ng Knicks ang 102-101 na kalamangan.
Sinelyuhan ni OG Anunoby ang laro ng maipasok ang dalawang free throws.
Nagtala ng 24 points, walong rebounds at anim na assists si Brunson habang mayroong 21 points at 15 rebounds si Josh Hart.