CAGAYAN DE ORO CITY – Iminungkahi ng grupong Kilusang Magsasaka ng Pilipinas (KMP) sa gobyerno na simulan nang magbigay seryosong aksyon laban sa umano’y destructive mining at rampant illegal logging operations sa bansa.
Ito ay kung gusto ng pamahalaan na hindi na maulit ang sinapit ng Davao Region na hindi man tinamaan ng malakas na bagyo at tanging mga pag-ulan lang ay malaking perwesyo na ang naibigay sa mga residente epekto sa mga malawakan na mga pagbaha.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni KMP chairperson Danilo Ramos na ang sobra-sobra na mining activities at pamumutol ng mga kahoy sa kagubatan ang nangunguna na dahilan kung bakit nakaranas ng malaking danyos ang mga taga-Davao del Norte at Davao de Oro.
Magugunitang patuloy ang pag-akyat sa bilang ng mga kompirmadong katao na nasawi,higit milyon ang indibidwal ang naka-house sa magkaibang evacaution centers at milyun-milyong halaga ng mga pinsala na ang naitala epekto nang humagupit na kalamidad sa rehiyon.