-- Advertisements --

Balik klase na ang mga estudyante gayundin ang mga academic activities sa Mindanao State University simula sa araw ng Lunes, Disyembre 11.

Ito ay matapos na suspendihin kasunod ng nangyaring pambobomba noong Linggo na ikinasawi ng 4 na katao at umakyat pa sa 72 katao ang nasugatan sa insidente base sa datos ng Office of the Civil Defense (OCD).

Sa isang memoramdum na inilabas ng unibersidad, magtatagal ang in-person classes at academic activities hanggang Disyembre 22 ng kasalukuyang taon.

Exempted naman ang mga biktimang naka-survive sa pagsabog mula sa pagdalo sa mga klase at pag-comply sa academic requirements habang sila ay nagrerekober pa mula sa nangyaring trahediya.

Sa pagpapatuloy naman ng klase, magpapakalat ng karadagan pang mga sundalo, pulis at iba pang security personnel sa campus.

Isasagawa din ang regular inspections sa mga opisina, silid-aralan at iba pang mga gusali.

Magbibigay din ng MSU ng mental health at psychosocial support services sa ahat ng mga estudyante at faculty pesonnel.

Sa kasalukuyan, 2 umano’y miyembro ng Dawlah-Islamiya maute group ang natukoy na mga suspek sa pagsabog na kinilalang sina Kadapi Mimbesa o “Engineer” at Arsani Membesa o “Khatab”.

Si Mimbesa ay isang estudyante sa MSU na kakagraduate pa lamang sa unibersidad na isang dalubhasa umano sa paggawa ng improvised explosive device habang si Alias Khatab naman ay isang wanted para sa kasong murder.