-- Advertisements --

Ipagpapatuloy sa Lunes, Abril 29 ang lahat ng klase sa Emilio Aguinaldo College sa UN Avenue sa Maynila.

Ito ay matapos ang pagsandal ng kanilang gusali ng tumama ang magnitude 6.1 na lindol nitong nakalipas na Lunes.

Base sa kanilang anunsiyo ang nasabing pagbabalik sa klase ay tentative lamang dahil nakadepende pa rin ito sa magiging rekomendasyon ng ilang mga opisyal gaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH).