-- Advertisements --
image 125

Nakikita ng United States Department of Agriculture (USDA) ang paglago ng mga cafe at bar dito sa Pilipinas sa kabuuan ng kasalukuyang taon.

Ito ay batay sa inilabas na projection ng naturnag US agency.

Batay sa projection nito, inaasahang aangat ng hanggang 20% ang kabuuang kita sa cafe at mga bar sa Pilipinas para sataong ito.

Ito ay katumbas ng $1.66billion mula sa dating $1.38billion na unang naitala noong 2022.

Malaki ang naiambag dito ng mga sikat at malalaking cafe sa bansa, na ilan sa mga pangunahing dinadayo ng mga konsyumer.

Ayon sa USDA, naging pangunahing rason sa paglago ng mga cafe at bar ay ang pagbabalik ng face to face calsses at F2F sa mga trabaho mula sa dating limited na social gathering.

Inaasahan naman ng ahesniya na mag-tutuloy tuloy ang naturnag paglago hanggang samga susunod na araw.