-- Advertisements --
Nasa Bangkok, Thailand na ang modelong si Kirk Bondad.
Si Bondad ay pambato ng Pilipinas sa Mister International 2025 pageant.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang larawan pagdating niya sa Suvarnabhumi Airport.
May hawak ito ng watawat ng bansa kung saan labis itong nasisiyahan at nakabalik muli sa Thailand na ang huli niyang pagbisita ay noon pang 2022.
Gaganapin ang Mister International 2025 sa darating na Setyembre 25.















