-- Advertisements --
Nakatakdang dumalo si King Charles sa United Nations COP28 climate change summit na gaganapin sa Dubai.
Ayon sa Buckingham Palace na magtatalumpati rin ito sa opening ceremony sa Disyembre 1.
Noong nakaraan taon kasi ay pinayuhan ng gobyerno ng United Kingdom sa pamumuno noon ni Prime Minister Liz Turss ang monarch na huwag dumalo sa 2022 summit na ginanap naman sa Egypt.
Matapos ang ilang serye ng konsultasyon ay napagkasunduan na dumalo si King Charles.
Ito ang unang pagbiyahe ni King Charles sa ibang bansa ngayong taon.
Nagkumpirma na ang ilang mga lider ng bansa na dumalo subalit wala pang katiyakan si US President Joe Biden kung ito ba ay dadalo sa nasabing summit.