-- Advertisements --
Binigyang halaga ni King Charles III ang kahalagahan ng pagkakaibigan.
Ito ang naging laman ng mensahe niya sa taunang Royal Maunday service sa Worcester Cathedral sa England.
Bagamat hindi personal na ito nakadalo ay nagpadala na lamang ito ng kaniyang audio message.
Ang nasabing aktibidad ay siyang unang pagkakataon na ginawa niya mula ng ibunyag ni Catherine ang Princess of Wales na mayroon itong cancer.
Ipinaubaya na rin niya sa kaniyang asawang si Queen Camilla ang pamamahagi ng tradisyonal na Maunday gifts.
Inaasahan na personal na dadalo si King Charles sa Easter Sunday kasama ang asawa nito.
Magugunitang nilimitahan ni King Charles ang public appearance nito dahil sa nagpapagaling ito mula sa cancer.