Anne Barker
Anne Barker

CAUAYAN CITY – Puspusan na ang ginagawang pagsasanay ng Filipina British model na si Pauline Anne Cordero-Barker ng Quirino, Naguilian, Isabela para sa kaniyang pagsabak sa Bb. Pilipinas, 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Miss Barker na unang beses pa lamang niya ngayon na sumabak sa beauty contest kaya pinagbubuti niya ang kaniyang pagsasanay.

Gagamitin anya niya ang kaniyang modelling skills sa pagrampa at palagi siyang nagbabasa at nakikinig sa mga balita upang ma-update sa iba’t ibang isyu.

Sinabi pa ni Bb. Barker na sumabak siya sa Bb. Pilipinas dahil nais niyang makapag-ambag upang mapangalagaan ang kalikasan upang magkaroon ng malinis na tubig sa mga liblib na lugar.

Idinagdag pa ng Filipina British model na masaya siya ngayon sa samahan nila ng kaniyang mga kapwa kandidata.