Kaagad umalma si Kim Chiu sa panibagong kontrobersya kung saan ilang netizens ang bumabatikos dahil sa video ng sinasabing pagsasayaw niya sa gitna ng traffic sa EDSA.
Ayon sa 30-year-old actress, “fake news” lamang ito dahil sa parking lot ng isang restaurant sa Pasig City nangyari ang kanyang pagsasayaw kung saan din siya nag-deliver ng ilang “products for a cause.”
Sa ilang komento sa social media, makikita ang pila ng mga sasakyan sa unahan ni Chiu na tila sumayaw siya habang tumutugtog ang kaniyang instant hit song na “Bawal Lumabas.”
Ang paliwanag ni Kim ay bago pa man siya ipatawag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na iniimbestigahan na rin daw ang video.
“We will verify if this video of the actress really happened in EDSA. If it did, We will summon/invite her to explain her side and from there we will act accordingly,” ani MMDA spokesperson Celine Pialago.