-- Advertisements --
Pumayag na si Kim Kardashian na magbayad ng $1.26 milyon na multa na ipinataw ng US Securities and Exchange Commission.
Ito ay dahil sa nagpost ang reality star sa kaniyang social media ng cryptocurrency na EthereumMax.
Hindi na nito binanggit pa kung magkano ang natanggap nitong bayad sa nasabing kumpanya.
Pumayag na rin ito na hindi na niya ipo-promote ang nasabing cryptocurrency sa loob ng tatlong taon.
Ayon sa abogado nito nais nito na mapayapang resolbahin ang problema.