-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ni reality star Kim Kardashian na siya ang napiling magazine cover ng Sports Illustrated Swimsuit issue.
Sa kaniyang social media ay ibinahagi ng 41-anyos na ilang mga larawan na ilalagay sa nasabing magazine.
Sa 2022 issue ay naifeature din si Katrina Scott ang unang modelo na buntis ganun ang ilang model na sina Christen Harper, Camille Kostek at Kate Bock.
Kabilang din ang ilang WNBA players gaya nina Sue Bird, Breanna Stewart, Te’a Cooper, Nneka Ogwumike at DiDi Richards.
Kasama na si Kim sa ilang kilalang celebrities na naging cover ng magazines gaya nina Beyonce, Kate Upton, Heidi Klum, Cheryl Tiegs at Tyra Banks.