Kim Kardashian
Kim Kardashian/ IG post

Binisita ni reality star Kim Kardashian ang San Quentin death row sa California.

Nakasuot ito ng baggy black jumpsuit at dinala niya ang kaniyang reform effort sa tinaguriang America’s most notorious prisons.

Isa sa target nitong mapalaya ang 61-anyos na si Kevin Cooper na na-convict dahil sa 4 na heinous muders sa Chino HIlls, California noong 1980’s at agad na dinala sa death row.

Dahil sa sinuspendi ang parusang kamatayan noon ay naghihintay pa si Cooper ng kaniyang kamatayan.

Pinayuhan noon ang reality star ng dating California Governor Jerry Brown na tignan ang kaso ni Cooper dahil sa lumalabas na ito ay na-frame up lamang.

Habang hinihintay ang DNA test result kay Cooper ay minabuti ni Kim na makaharap personal si Cooper.

Mula noong nakaraang mga buwan ay umabot na sa 17 mga inmates ang pinalaya dahil sa tulong niya mismo at abogado nito.