-- Advertisements --

Naghiwalay na ang magkasintahang Kim Kardashian at Pete Davidson matapos ang siyam na buwang relasyon.

Ayon sa kampo ng dalawa na kulang ang panahon nila sa isa’t-isa kaya nagpasya ang mga ito na maghiwalay.

Lagi kasing nasa Australia si Davidson para sa kaniyang pelikula habang si Kim ay abala sa pag-alaga sa apat nitong anak sa Los Angeles.

Unang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon noong Oktubre ng dumalo ang mga ito sa kasal ng isa nilang kaibigan.

-- Advertisement --