-- Advertisements --

Nagdala umano ng condolence letter si North Korean leader Kim Jong Un kay South Korean President Moon Jae-in kaugnay ng kianakaharap nitong coronavirus outbreak.

Nakasaad daw sa nasabing liham ang pagnanais ni Kim na malampasan ng South Korea ang nakamamatay na virus kung saan umabot na sa 438 ang bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Sa pamamagitan din ng sulat ay ipinaabot ng South Korean leader ang kaniyang pasasalamat kay Kim.

Kinumpirma naman ng North Korea na hindi pa nakakapasok sa kanilang teritoryo ang virus ngunit ayon sa mga South Korean spy agencies na isinailalim na ng Noth Korea sa quarantine ang nasa 7,000 katao.

Una nang inanunsyo ng mga opisyal mula North Korea na isasara nito ang kanilang border para sa lahat ng foreign nationals.