-- Advertisements --

Nakatakdang magpulong sina Russian President Vladimir Putin at North Korean lider Kim Jong Un.

Ayon sa isang opisyal ng US na isa sa maaring talakayin ng dalawang opisyal ang paghingi ng armas ng Russia na gagamitin sa giyera nito sa Ukraine.

Hindi rin malinaw kung saang lugar nakatakdang magpulong ang dalawang opisyal.

Ang nasabing pagpupulong ay lumabas matapos na makakuha ang White House ng impormasyon na mayroong kahilingan ang Russia ng armas sa North Korea.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay bumiyahe ng North Korea si Russian Defence Minister, Sergei Shoigu para humingi ng mga armas.