-- Advertisements --

Nagpasalamat si Kim Chiu sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos tinanggap ang kanyang paliwanag kaugnay sa nag-viral na dance video nito na iniintrigang kuha raw sa gitna ng EDSA.

Ito’y sa pamamagitan ng kanilang virtual meeting ni MMDA General Manager Jojo Garcia kung saan igiinit ng 30-year-old actress na sa parking lot malapit sa main road pero hindi sa EDSA, kuha ang pinagpiyestahang 5-seconder video niya.

Nakahinto o hindi rin aniya umaandar ang kanyang sasakyan nang siya ay sumayaw.

Sa kabila nito, pinaalalahanan ng MMDA si Kim na huwag makakalimot sa ipinapatupad na traffic rules and regulations.

Una rito, sa ilang komento sa social media ay makikita ang pila ng mga sasakyan sa unahan ni Chiu na tila sumayaw siya habang tumutugtog ang kaniyang instant hit song na “Bawal Lumabas.”

Una nang tinawag na fake news ni Kim ang mga akusasyon laban sa kanya, bago pa man siya ipatawag ng MMDA na agad ding inimbestigahan ang kontrobersyal na video.