-- Advertisements --

Nagbanta ang ilang grupo na masusundan pa ang kilos-protesta sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila para kuwestiyunin ang resulta ng halalan ngayong araw.

Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ang ilang estudyante, human rights groups at mga organisasyong kabilang sa Makabayan bloc.

Mahigpit naman ang naging seguridad sa naturang lugar, kahit wala roon ang mga opisyal ng poll body, dahil nananatili sila sa PICC bilang NBOC.

Nagkaroon pa ng tensiyon nang subukang lumapit ng mga raliyista sa pintuan ng gusali at bandang tanghali ay lumipat na ang mga grupo sa Liwasang Bonifacio.

Ipinagsisigawan pa rin ng mga ito ang mga naging aberya noong halalan, kasama ang pagpalya ng maraming vote counting machine (VCMs), bagay na nakaagaw sa atensyon ng ilang nakaranas ng problema, kaya may ilang pang nakisali na rin sa demonstrasyon.