-- Advertisements --

Maglulunsad ng kilos-protesta ang ilang grupo ng mga manggagawa sa Bonifacio day, Nobiyembre 30.

Ito ay para isulong ang makatarunagang dagdag na sahod, oportunidad sa trabaho, pinabuting serbisyo publiko at pangangalaga sa karapatan at kalayaan ng mga manggagawa.

Gayundin ipapanawagan ng labor groups ang pagkakaroon ng family living wage at pagbuhay sa national minimum wage.

Inaasahang makikiisa sa naturang protesta ang Kilusang Mayo Uno, bukluran ng Manggagawang Pilipino, Alliance of Genuine Labor Organizations, National Confederation of Labor, at All Workers Unity.

Magsisimula ang kanilang aktibidad dakong alas-8 ng umaga sa Huwebes sa may Kalaw Avenue sa Maynila at magtatapos sa may gates ng Malacañang sa Mendiola, Manila.

Ang naturang demonstrasyon ay natapat sa ika-160 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifaciona kinilala bilang Ama ng Rebolusyon sa Pilipinas.