-- Advertisements --

Patay ang Kenyan cyclist na si Suleiman Kangangi matapos maaksidente sa kasagsagan ng karera nito sa US.

Kabilang kasi ang 33-anyos na cyclist mula sa team East-African based na Team Amani sa Overland gravel race sa Vermont.

Ang nasabing karera ay isang 59-mile dirt-road contest kabilang ang 7,000 talampakan na akyatan.

Isa si Kangagi sa 900 na sikilista na lumahok sa nasabing karera.

Si Kangagi ay nagtapos sa pangatlong puwesto noong Tour of Rwanda 2017.

Labis naman ang kalungkutan ng mg kapwa nitong siklista at nakasama sa nasabing karera.