-- Advertisements --

Hindi na makakasama sa laro ng Gilas Pilipinas sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ang kanilang veteran guard na si Kiefer Ravena.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito na sumailalim siya ng emergency dental procedure.

Nanawagan na lamang ito sa mga fans na ipagdasal at suportahan ang national basketball team ng bansa.

Bukod kay Ravena ay hindi rin makakasama si Carl Tamayo dahil sa injury nito.

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Jordan sa Nobyembre 11 habang ang Saudi Arabia namna sa Nobyembre 14.