Aminado si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nadagdagan ang bilang ng mga kidnap victims na hawak ng bandidong Abu Sayyaf mula ng umupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ni Dela Rosa na mula sa 18 bihag, umakyat sa 31 ang bilang ng mga hawak na bihag ng bandidong grupo sa ngayon.

Kung saan ito ang tinututukan ng pamahalaan para marekober ng ligtas ang mga bihag mula sa kamay ng kanilang mga kidnappers.

Sinabi ni Lorenzana na kahiya-hiya para sa kaniya na hindi maresolba ang problema sa Abu Sayyaf.

Dahil dito may mga kaukulang hakbang na nang nakalatag ang militar para tapusin ang problema ng teroristang Abu Sayyaf.

Magugunita na anim na buwan ang itinakda ng pamahalaan para tapusin ang teroristang grupo.

Positibo naman ang militar sa Sulu na kaya nilang makamit ang itinakdang deadline lalo na sa pagpulbos sa ASG.