Nilinaw ni Committee on Good Government and Public Accountability Vice-Chairman at Zambales Representative Jay Khonghun na hindi pag-atake kaninuman ang pagdinig ng komite kundi bigyang linaw ang mga isyu na nakaka-apekto sa pamamahala sa bansa.
Ang pahayag ni Khonghun ay may kaugnayan sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na layon ng pagdinig ay sirain ang kaniyang imahe at i-impeach siya.
Sinabi ni Khonghun ang pagtanggi na tumestigo sa ilalim ng panunumpa ay isang malinaw na mensahe na mayruon itong iniiwasan.
Ayon sa Kongresista kung wala naman itinatago bakit ayaw manumpa, basic act of accountability na dapat lahat ng opisyal ng gobyerno ay sasailalim.
Ipinunto ni Khonghun na ang panunumpa ay hindi lamang isang legal na formality kundi ito ay patunay sa commitment ng pagiging tototo.
Ang pagtanggi dito ay nagpapahina sa tiwala ng publiko.