Umani ng atensiyon sa ilang basketball analysts at fans ang pag-itsapuwera ng NBA na mapasali sa prestihiyosong Christmas Day games ang mga superstars na sina Kevin Durant at Kyrie Irving.
Una nang naglabas ng advance schedule ang NBA para sa Christmas Day na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Milwaukee Bucks versus Boston Celtics
Philadelphia 76ers versus New York Knicks
Phoenix Suns versus Denver Nuggets
Los Angeles Lakers versus Dallas Mavericks
Tampok din sa nabanggit na araw ang Memphis Grizzlies na babanggain ang defending champion na Golden State Warriors.
Sa naturang schedule ay kapansin pansin na wala ang team nina Durant.
Batay kasi sa mga nakalipas na mga NBA season, palagi na lamang kabilang sa pangunahing mga mainstay sina Durant sa Christmas Day games.
Ang pagkawala sa naturang schedule ng Brooklyn ay sa gitna na rin na hindi pa nareresolba ng team ang kahilingan ni KD na malipat ng ibang team.