-- Advertisements --
image 27

Isang Kenyan cult leader na inakusahan ng pag-utos sa kanyang mga tagasunod na patayin sa gutom ang kanilang mga sarili ang humarap sa korte habang hinanap ng mga imbestigador ang higit pang mga bangkay sa isang kagubatan sa silangang Kenya kung saan 101 bangkay na ang nahukay.

Sinabi ng mga awtoridad ng Kenya na ang mga namatay ay miyembro ng Good News International Church na pinamumunuan ni Paul Mackenzie na nag-utos sa kanyang mga tagasunod na magpakamatay upang sila ang unang mapunta sa langit.

Karamihan sa mga nasawi ay mga bata, na natagpuan sa mga mass graves at walong tao ang natagpuang buhay na kalaunan ay namatay pa rin.

Kaugnay niyan, sinabi ng interior ministry ng Kenya na higit sa 400 katao pa ang nawawala sa nakapalibot sa nasabing lugar at patuloy na pinaghahanap.

Si Mackenzie, ay nasa kustodiya na ng pulisya, ngunit tikom pa rin ang bibig sa pagbibigay ng anumang komento sa naturang insidente ng kanyang mga tagasunod.