Sa pinakabagong pag-aaaral ng RPMD Foundation Inc., nangunguna si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na may 89.7% Index of Governance (IOG) score dahil sa agresibong kampanya laban sa korapsyon at pagpapatupad ng accountability measures.
Kasunod niya si NBI Director Melvin Matibag na may 88.1% IOG score at TESDA Director General Kiko Benitez na nakakuha ng 86.5%.
Nanguna rin bilang top-performing government communicator si Assistant Ombudsman Mico Clavano na may 86.9% IOG score, kinilala sa malinaw na pagpapaliwanag ng mga programa ng Ombudsman.
Kabilang sa mga nakapagtala ng mataas na marka sina Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado (85.0%) at LTO Chief Markus Lacanilao (84.0%).
Pasok din sa listahan si BIR Commissioner Charlie Mendoza na may 82.2% IOG score, na kinilala sa mahusay na pamamahala at pagpapatupad ng mga reporma sa buwis.
Ayon sa RPMD, mas pinahahalagahan na ngayon ng mga Pilipino ang resulta, integridad, at responsiveness kaysa sa pulitikal na pangalan o retorika.
Binanggit ni Dr. Paul Martinez ng RPMD na ang mga opisyal na tunay na nagdeliver ng serbisyo at nagpapatupad ng batas nang patas ang siyang nakakatanggap ng pinakamataas na antas ng tiwala at performance ratings.














