Nahalal bilang pangulo ng Kenya si William Ruto.
Nagwagi si Ruto na dating deputy president ng makuha ang 50.49% na boto laban sa dating Prime Minister na si Raila Odinga.
Magiging siya na ang pang-limang pangulo na mauupo mula ng maging independent ang nasabing bansa.
Kasabay din nito ay nakakuha ng majorit seats sa senado ang partido ni Ruto na Kenya First coalition.
Sa kaniyang talumpati, pinasalamatan nito ang May Kapal at tiniyak na hindi masasayang ang naging sakripisyo ng mga mamamayan nito.
Pagtitiyak pa nito na magiging transparent siya sa kaniyang gobyerno.
Papalitan nito sa puwesto si Uhuru Kenyatta na naging pangulo mula 2013 hanggang 2022.
Nagpahayag naman ng pagdududa ang katunggali nito sa naging resulta ng halalan.
Hindi anila tugma ang naging pagbibilang nila kumpara sa pagbibilang ng mga electoral board.
Si Ruto ay dating guro na mayroong doctorate in plant ecology mula sa University of Nairobi.