-- Advertisements --

Hiwalay na si reality star at model Kendall Jenner sa nobyo nitong NBA star na si Devin Booker.

Ayon sa kampo ng dalawa, nagpasya sila na maghiwalay matapos ang pagdalo sa kasal ni Kourtney Kardashian at Travis Barker.

Mahigit dalawang linggo na aniya silang hindi magkasama at nitong buwan lamang nakumpirma ang kanilang hiwalayan.

Hiniling ng dalawa na maging pribado na lamang ang nasabing usapin.