Clarkson Kelly
Kelly Clarkson/ IG post

Naghain ng divorce ang singer na si Kelly Clarkson laban asawa nito na si Brandon Blackstock.

Inihain nito ang pakikipaghiwalay sa asawa sa Los Angeles County Superior Court.

Ikinasal ang dalawa noong Oktobre 2013 sa Blackberry Farms, Tennessee at sila ay biniyayaan ng dalawang anak na isang limang taong gulang na si River Rose at apat na taong gulang na si Remington.

Nagkakilala ang dalawa sa 2012 sa Super Bowl XLVI sa pamamagitan ng ama ni Brandon na si Narvel na manager noon ni Kelly.

Hindi naman na binanggit nito ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng singer sa kaniyang asawa.