Nagnegatibo sa COVID-19 ang naging pambato ng bansa sa Miss Eco International na si Kelley Day.

Ito mismo ang inanunsiyo ng organizer matapos na sumailalim si Day sa COVID-19 testing.

Sinabi naman ng Miss Eco International first runner-up na mananatili pa ito sa Egypt dahil sa ipinapatupad na lockdown sa Pilipinas.

Ipinakita rin ni Day ang larawan ng negative RT-PCR test result nito.

Magugunitang matapos ang pageant noong Abril 5 kung saan naging first runner up si Day ay lumabas ang balita na may ilang kandidata sa nasabing pageant ang nagpositibo sa COVID-19.