Keanu Reeves Matrix
Keanu Reeves
-- Advertisements --

Bibigyan ng tsansa ni Keanu Reeves ang isa sa kaniyang mapalad na fans na siya ay maka-date.

Ayon sa 55-anyos na “John Wick” star na magsasagawa ito ng 15-minute call sa highest bidder kung saan katuwang niya dito ang Camp Rainbow Gold isang childen’s cancer charity sa Idaho.

Ang virtual date ay nagsimula sa $10,000 hangggang ito ay pumalo na sa $16,600.

Matatapos ang auction sa Lunes at magsisimula ang special date sa Hulyo 6.

Lahat ng mga malilikom na pondo ay mapupunta sa childrens’ cancer organization.

-- Advertisement --