-- Advertisements --

Nanumbalik na umano ang kahandaan ni Maria Kristina Cassandra “KC” Concepcion para sa pagbabalik sa mundo ng show business.

Ito’y kahit nagpapagaling pa sa kanyang polycystic ovary / ovarian syndrome (PCOS) na siya ring naging dahilan kung bakit pansamantalang namahinga dahil sa nadagdag na timbang .

Ayon sa 35-year-old Megastar daughter, masasabi niyang maganda na uli ang kanyang kalusugan at hindi na mag-aalinlangang tumanggap ng mga proyekto kung mayroon mang darating.

“I would say yes to projects when they come. I’m ready now. I’ve lost a lot of weight and at the same time you know, I feel good about coming back,” saad nito sa radio host na si Tim Yap.

“I eat so well, I take supplements I try to be as active as I can be, especially in this situation dapat healthy ka,” dagdag nito.

-- Advertisement --

Ang PCOS ay isa sa karaniwang endocrine disorders ng mga kababaihan at kabilang sa sintomas nito ay weight gain.