Reading Time: 1 minute

Nagpahiwatig ang TV host/actress na si Maria Kristina Cassandra “KC” Concepcion na tila hiwalay na nga sila ng French businessman na si Pierre Lassart.

Ayon kay KC, handa na siyang makipag-date ngunit hindi na nagbigay pa ng dagdag na detalye.

“I’m fresh. As fresh as my foundation. I’m open. Yes. I am (open to dating). Dating around,” natatawang sambit nito sa launching ng isang Japanese makeup brand kung saan siya ang first ever Pinay face na napili.

Unang reaksyon ito ng Megastar daughter matapos lumabas ang isyu na break na sila ng nasabing negosyante.

Naging kasintahan din noon ng 34-year-old model ang dating Azkals team captain na si Aly Borromeo.