Kinilala ng World Wide Fund for Nature (WWF) si KC Concepcion bilang celebrity ambassador.

Ayon sa WWF-Philippines , na katuwang nila ang actress sa pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa food security at kahalagahan ng sustainable consumption.

Labis naman ang kasiyahan nito na mapili at isa aniya itong pangarap niya noon pa man.

Ilan lamang si KC sa mga local celebrities na napili bilang ambassador ng WWF na pinangunahan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Iza Calzado, Janine Gutierrez, host Marc Nelson, Rovilson Fernandez at Miss Earth 2017 Karen Ibasco.