Para kay Oscar De La Hoya tanging ang kanyang dating trainer na si Floyd Mayweather Sr. lamang ang makakahawak sa kanya kung sakaling matuloy siya na umakyat muli sa itaas ng ring.
Si Floyd Sr. ay ama ng retired champion na si Floyd Mayweather Jr.
Kuwento ng 47-anyos na.top executive ng Golden Boy Promotions, sa tingin niya kasi si Mayweather Sr. lamang ang tanging makapagdisiplina o kaya magpagising sa kanya ng alas-5:00 ng madaling araw para sumabak sa training.
Ang dalawa ay nagkasama na rin ng matagal bilang mag-tandem noong huling bahagi ng taong 2000 at hanggang 2006. At maging noong 2007 sa laban kay Sen. Manny Pacquiao.
Sa ngayon si De La Hoya (39-6, 30 KOs) ay sumasailailm na rin sa “small team” muna para sa workouts.
Pero wala pa umano sa seryong boxing camp ang dating Olympic gold medalist.
Pagsapit naman daw ng Setyembre umaasa siya na makapagsasagawa na ng hanggang 12 rounds regular na sparring sessions
Sa panahong ito ay makapagbibigay na raw siya ng pinal na desisyon.
Kung maalala nagretiro si Oscar matapos ang matindinh pagkatalo noon kay Pacquiao.
Kung sakali umanong magtuloy-tuloy ang kanyang kumpiyansa sa training camp, maari na siyang lumaban sa first quarter ng susunod na taon.