Kawalan ng pondo ang siyang pinakadahilan at pinakamalaking problema ngayon ng gobyerno kung bakit nagkakaroon ng aberya sa renewal ng kontrata ng mga contact tracers sa bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni contact tracing czar and Baguio City Mayor Benjamin Magalong na Hunyo 30 pa nang mapaso ang kontrata ng mga contact tracers, pero nagawa pa itong palawigin ng hanggang Hulyo 30 na lamang.
Sa ngayon, 6,921 ang contact tracers na kinuha ng pamahalaan at target namang maisailalim sa contact tracing retraining program ang nasa 56,303.
Bukod sa funding issues, sinabi ni Magalong na naging problema rin nila ang masamang lagay ng panahon, connectivity issues, at imposition ng community quarantines.
Sa ngayon, sinabi ni Interior Undersecretary Epimaco Densing III na humihingi na ang DILG sa Department of Budget and Management ng nasa P5 hanggang P7 billion para sa extension ng kontrata ng mga contact tracers.