-- Advertisements --

Nananatiling pangunahing problema ang kawalan ng disiplina na sinundan ng pagnanais na mauna sa ibang motorista ang nakikitang dahilan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lumalalang trapiko sa Metro Manila.

Sinabi ni Gabriel Go ang namumuno Special Operations Group ng MMDA na kahit na anong uri ng information campaign ay marami pa ring motorista ang walang disiplina.

Karamihan sa mga ito ay ipinagpipilitan na dumaan sa EDSA Bus way kaya araw-araw ay hindi bababa sa 10 mga motorista ang kanilang nahuhuli.

Tumataas lamang ang bilang ng mga motorista na dumadaan sa EDSA Busway kapag bumibigat ang daloy ng trapiko.